Babae Arestado Sa ‘Sextortion’ Video
OpinYon Batangas

Babae Arestado Sa ‘Sextortion’ Video

Apr 16, 2024, 3:59 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

TANAUAN CITY — Isang 22-anyos na babae na taga siyudad na ito ang naaresto matapos umano nitong bantaang ikalat ang isang sex video ng kanyang boyfriend na may kasamang ibang babae.

Nahuli ng mga tauhan ng Intelligence Group ng Tanauan City Component Police Station ang babae na hindi agad ibinigay ang pangalan sa isang entrapment operation habang tinatanggap ang pera na hinihingi niya.

Ayon sa ulat ng pulisya, humingi ang suspect ng P30,000 mula sa babae na pinagbintangan niyang kasama ng kanyang boyfriend sa video.

Ayon sa ulat ng pulisya, hindi na maganda ang relasyon ng suspect at ng kanyang kasintahan nang malaman nito ang tungkol sa alegadong sex video. Marahil ay dahil sa selos at galit, naisip niyang ipakalat ito na may kasamang pananakot sa intensyong pagkakitaan.

"Amin pong pinaniniwalaan na sa galit o selos, kumuha siya (suspect) ng sex video at dahil nakilala ang mga indibidwal na sangkot, binalaan niya at sa huli ay nauwi sa extortion,” ayon pa sa pulisya.
“Ayon sa kanilang usapan, nagbitiw ng salita ang suspect na, 'Kung hindi mo ibibigay ang P30,000, ipapamahagi ko itong video na hawak ko'," pahayag ni PLt. Col. Apolinario Lunar, Jr., chief ng Tanauan City Component Police Station.

"Sinabi rin ng [lalaki] na parang may mga alitan na sila, pero patuloy pa rin silang nag-uusap. Siguro, nagkakaroon lang sila ng hidwaan dahil sa pangyayaring may kinalaman sa video," dagdag pa ni Lunar.


Kinumpiska ng pulisya ang cellphone ng suspek na pinaniniwalaang naglalaman ng alegadong sex video.

Ngayon ay nahaharap na sa mga kaso ng robbery at extortion ang suspek.

Tumanggi muna ang pulisya na ibigay sa media ang mga pangalan ng mga sangkot sa naturang kaso.

#WeTakeAStand #OpinYon #SexTortion #TanauanBatangas


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.