Dwarf coconuts, isinusulong sa Batangas
In Focus: FOOD AND AGRICULTURE

Dwarf coconuts, isinusulong sa Batangas

Mar 26, 2024, 7:54 AM
Opinyon Batangas News Team

Opinyon Batangas News Team

Writer

Pinangunahan ng Tanggapan ng Panlalawigang Agrikultura (OPAg) ang technical working group meeting kaugnay ng Batangas Coconut Seed Farm Project ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong Lunes (March 18, 2024) sa OPAg conference hall sa Bolbok, Batangas City.

Kabalikat ang Philippine Coconut Authority (PCA), layunin ng Kapitolyo, sa pamamagitan ng OPAg, na mapakinabangan at magamit ang mga nakatiwangwang na lupang pag-aari nito at mabigyan ng dagdag pagkakakitaan at kabuhayan ang mga kababayan.

Kabilang dito ang mga residente ng Barangay Imelda, San Juan kung saan sampung ektarya ang nakatakdang taniman ng nasa 4,700 dwarf coconut seedlings.

Ayon kay OPAg Department Head, Dr. Rodrigo Bautista, Jr., ang dwarf coconut ay mas produktibo, mas maraming mamunga at mas mabilis mapakinabangan dahil tinatayang 3-5 years lang ay namumunga na ang mga ito.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan ng PCA, Municipal Agriculturist ng San Juan, at mga kawani ng Provincial Engineering Office, General Services Office, Provincial Planning and Development Office, Provincial Assessor’s Office at Provincial Information Office.

#WeTakeAStand #OpinYon #DwarfCoconuts #OpinYonBatangas #PCA


We take a stand
OpinYon News logo

Designed and developed by Simmer Studios.

© 2024 OpinYon News. All rights reserved.